Hiniling ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag sa House Prosecution Panel na huwag muna siyang itakdang tumestigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa susunod na linggo.
Ayon kay Matibag, kinakailangan niyang dumalo sa ilang pagpupulong sa ibang bansa, kabilang ang inaugural Regional Summit on Scam Center Compounds and Transnational Organized Crime sa Bangkok, Thailand, na gaganapin sa Hulyo 21 at 22 kasama ang iba pang mga opisyal ng law enforcement sa Asia-Pacific at mga kinatawan ng Federal Bureau of Investigation (FBI).
Sinabi ni Matibag na handa siyang tumestigo sa impeachment trial ngunit kailangan muna niyang bigyang-priyoridad ang mahahalagang tungkulin na may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang pinuno ng NBI.
Sa kanyang liham, hiniling niya na maiskedyul ang kanyang pagharap bilang testigo bago ang kanyang pag-alis upang hindi maantala ang pagdinig at ang paghahain ng kanyang testimonya.
Si Matibag ay kabilang sa mga testigo para sa ikaapat na Artikulo ng Impeachment laban kay Duterte, na tumatalakay sa umano’y pagbabanta nito laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Bilang direktor ng NBI, pinangunahan ni Matibag ang imbestigasyon kaugnay ng naturang mga pahayag na inilathala sa Meta noong 2024.
.jpg)
0 Comments