Pumalag si House Public Accounts chairperson at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon sa patutsada ng entertainment personality na si Pok...
Pumalag si House Public Accounts chairperson at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon sa patutsada ng entertainment personality na si Pokwang kaugnay ng road rage incident na kinasasangkutan ng kapa¬tid nito.
“We take exception to the remarks made by Ms. Marietta “Pokwang” Subong in her recent video statement relating to the involvement of her brother, Carlo Subong, in a road rage incident in Antipolo City,” sabi ni Ridon.
“Hindi kayo ang biktima dito. Ang biktima dito ay si Crispin at ang kanyang anak. Ang biktima dito ay ang mga ordinaryong Pilipinong ina¬abuso ng mga katulad ni Carlo Subong,” dag¬dag pa nito.
Bagama’t hindi pina¬ngalanan ni Pokwang kung sino ang mambabatas na kanyang pinatutungkulan, sinabi ni Ridon na malinaw na siya ito. Iginiit ni Ridon na si Carlo Subong at hindi si Pokwang ang dapat na humingi ng tawad sa publiko kaugnay ng kanyang pananakit sa magkakariton.
COMMENTS