InaprUbahan ni Pa¬ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P5,000 insentibo sa mga empleyado ng gobyerno, ayon sa Malacañang nitong Biy...
InaprUbahan ni Pa¬ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P5,000 insentibo sa mga empleyado ng gobyerno, ayon sa Malacañang nitong Biyernes.
Base sa naunang circular na nilabas ng Department of Budget and Management (DBM), ang insentibo ay ipagkakaloob sa mga empleyado ng gobyerno bilang reward na naabot ang “agency and financial performance targets” at upang maging motibasyon sa mga empleyado na magsipag sa trabaho.
“Bilang pagkilala at pagpapahalaga sa mahusay na paglilingkod sa bayan, propesyonalismo at sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga kawani ng gobyerno, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na pagbibigay ng Productivity Enhancement Incentive o PEI para sa mga kawani ng pamahalaan,” saad ni Palace Press Officer Atty Claire Castro.
“Ang nasabing hakbang ng Pangulo ay pagpapakita lamang ng tuluy-tuloy na suporta ng Marcos admi-nistration sa pagpapataas ng productivity at morale ng government emplo¬yees,” dagdag pa niya.
Aniya, naniniwala umano si Pangulong Marcos Jr. na nararapat lang na bigyan ng importansiya ang mga kawani ng pamahalaan na walang-sawang naglilingkod at nagiging katuwang para maihatid ang panga-ngailangan ng taumbayan.
COMMENTS